Cocolife - Cocolife - Be Vigilant
Idk but this happened nung January pa this year, but I have come to notice that yung mga agents nila sa malls (esp sa SM) are not working professionally. I get that gusto nila makabenta pero di naman tama yung 'tactics' nila. Kaya napagkakamalan silang scam eh. Well my personal experience, would say parang na scam nako. May babaeng lumapit claiming na may ibibigay daw silang prize if sasali ako sa "raffle" kuno nila, makikipag usap tapos pupuriin pa then the next thing I know is papuntahin ako sa office since kukunin ko daw yung prize without knowing na dito na mag sisimula yung kalbaryo ko. May FA na kumausap, mag bibigay ng advise or whatever. Ako naman, I thought nag mamarket lang, umabot kami ng 45 minutes don then yun na pala, ipa aavail na ng policy nila. I declined first, sabi ko "your agent said na di kayohihingi ng kahit anong money or what, so bakit kailangan kong bumili ng policy niyo?" Nagalit pa yung FA, inulit yung mga sinabi kanina. Ang ending napabayad ako ng about 9k good for three months na yun.
Nakakbweset lang kasi bakit kailangan mang linlang, and bakit may pamwersa sa mga tao kung tatanggi. If you're a professional, you would not get mad at someone saying "AYOKO", and in the first place dapat di na kayo nag sinungaling na wala kaming babayarang kahit na ano.
- just a rant lang, nag lapse na yung policy ko since di ko na tinuloy yung pag hulog, sana napakain nila mga pamilya nila sa 9k na kinuha nila.
Make A Complaint
Loading...